Sa isla ng Boracay napili ni Kapamilya star Toni Gonzaga ipagdiwang ang kanyang ika-37 na kaarawan.

Sa kanyang recent vlog, ipinakita ng singer-actress ang naging masayang trip nila sa Bora kasama ang mister niyang si Paul Soriano at anak nilang si Seve.

Kasama rin ng singer ang newlywed na sina Alex at Mikee Morada.

Syempre, hindi rin nagpaiwan sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa naturang trip.


“Sharing with you some fun memories from my birthday vacation at Crimson Resort & Spa in Boracay,” saad ni Toni sa description ng kanyang vlog.

Aniya, ‘best birthday vacation’ niyang maituturing ang karanasan sa Bora.

“Nobody wanted to go home so everybody decided na mag-extend. That’s how beautiful this place is. Thank you very much for this beautiful birthday celebration, Paul. I had the best time with family and friends,” sambit niya sa vlog.

Kasalukuyang nasa 200k na ang nakapanood ng naturang vlog.

The post Toni Gonzaga ipinagdiwang ika-37 na kaarawan sa Bora first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/toni-gonzaga-ipinagdiwang-ika-37-na-kaarawan-sa-bora/)