Iimbestigahan umano ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang mga medical professional na sangkot sa maagang pagbabakuna kontra COVID-19 ng ilang opisyal ng gobyernong Duterte.

Kapag napatunayang nagturok nga ng hindi awtorisadong bakuna, posibleng mawalan ang mga naturang doktor ng medical license, ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III.

“We will investigate the illegal administration of unauthorized smuggled vaccines, specifically doctors and other medical professionals who administer them,” wika ng kalihim sa joint statement ng DOH at FDA.

“We will have their medical licenses revoked. We doctors have an oath. Do no harm. In a pandemic, we need to be more circumspect,” punto niya pa.

Wika ito ni Duque matapos mapaulat na nagkikita ang ilang mambabatas sa “posh hotels for coffee” at nagpapabakuna sa isa sa mga silid doon.

“I’m not buying the explanation that the doctors administering the shots are being pressured by lawmakers. Someone is peddling the service and it is unacceptable,” giit niya pa.

Una nang nilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang tao sa gobyerno na tumanggap na ng COVID-19 vaccine, kahit wala pang inaaprubahang bakuna sa ating bansa.

The post Unacceptable! Doktor na nagturok ng ilegal na bakuna mawawalan ng lisensya – Duque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unacceptable-doktor-na-nagturok-ng-ilegal-na-bakuna-mawawalan-ng-lisensya-duque/)