Bukod sa pagkuha ng mga titulo, isa rin sa binibigyang prayoridad ng Palawan Queen’s Gambit ang pagtaguyod sa women’s chess sa bansa.

“Our main objective in joining PCAP (Professional Chess Assciation of the Philippines), is to help promote women’s chess in the country, and not only in Palawan,” sambit ni Palawan Queen’s Gambits coach Susan Grace Neri sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.

Bagama’t aminadong hirap bilang all-female team sa isang male-dominated sport, ipinunto naman ni Neri na enjoy ang Queen’s Gambit players sa oportunidad na makipaglaban sa kanilang male rivals at mairepresenta ang probinsya ng Palawan sa 24-team professional chess league.

“Even before the blockbuster Netflix chess movie Queen’s Gambit came out, our team owner-manager Bernardo Jorge Mitra is already planning to promote women’s chess in the country,” lahad ni Neri sa weekly public service program handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

“When we joined PCAP as a founding member last year, he (Mitra) told our players to just enjoy the game. No pressure to win against strong teams led by GM Eugene Torre and Rogelio Antonio, Jr.”

Ibinahagi rin Neri, chess coach sa UAAP champion La Salle, na maraming mga talentadong female chess players na nais ipagpatuloy ang kanilang sport kahit na grumaduate na sa kolehiyo.

“With the Palawan Queen’s Gambit in PCAP, they now have a chance to play professionally,” saad ng anak ni late chess player-coach Wilfredo Neri.

“Right now, we only have one WGM (Janelle Mae Frayna). But I know we still have a lot of talented female players who can excel in international chess.”

At bilang active player kagaya nito, malaki umano ang maitutulong ng PCAP sa mga chess player.

“As we have said, the Palawan Queen’s Gambit team decided to make it our mission. More than winning, we want to encourage more female players to continue to play the game,” paliwanag ni Neri. “With PCAP, mas mabibigyan natin ngayon ng pansin ang women’s chess. Hindi na masasayang yun talents ng mga kababaihan natin na naglalaro ng chess.”

Papuri naman si Neri kay WIM Marie Antoinette San Diego at iba pang miyembro ng Palawan Queen’s Gambit.

“Nakatutuwa dahil lahat kami nagtu-tulong tulong para sa team, pati yun mga senior at homegrown players namin. Last night tinalo namin yun Iriga City, para na din kaming nanalo ng championship,” litanya ni Neri

The post Women’s chess tinataguyod ng Palawan Queen’s Gambit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/womens-chess-tinataguyod-ng-palawan-queens-gambit-2/)