Sumampa na sa 14,658 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19 matapos maitala ang 100 bagong kaso kahapon.

Umakyat naman sa 9,220 ang mga nakarekober mula sa naturang sakit matapos madagdagan ng 65 na mga bagong gumaling.

Nasawi naman ang isa pang Pinoy na nasa abroad dahil sa virus. Sa kabuuan, 979 na ang death toll rate ng mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo na nadedo dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, pumalo sa sa 4,459 ang nagpapagaling mula sa COVID-19.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs ang publiko na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng bansa kung saan naninirahan ang mga Pinoy.

“The DFA personnel in our Foreign Service Posts remain steadfast in partnering with local health authorities and commit to tirelessly attending to the needs of our people, whenever possible,” saad nila sa tweet.

The post 100 pang Pinoy sa abroad sapul ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/100-pang-pinoy-sa-abroad-sapul-ng-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=100-pang-pinoy-sa-abroad-sapul-ng-covid-19)