Pumalo na sa 64 kahapon ang bilang ng mga namatay sa Lungsod ng Lucena dahil sa COVID-19.

Batay sa local health authorities, dalawa pa ang kumpirmadong nasawi: isa mula sa Barangay Gulang-Gulang habang ang isa ay galing sa Barangay Cotta.

Ang dalawa ay ang pang-8 at pang-9 na coronavirus fatalities ng lungsod ngayong Pebrero.

Wala nang ibang detalyeng nilahad hinggil sa bagong mga yumao.

The post 2 pa sa Lucena ginupo ng virus first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pa-sa-lucena-ginupo-ng-virus/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-pa-sa-lucena-ginupo-ng-virus)