25,226 kawani ang tinanggal sa trabaho ngayong buwan habang 108,089 pang empleyado ang kinaltasan ang sahod habang nananalasa pa rin ang pandemya sa mga negosyo.

Ayon pa sa bagong job displacement report ng Department of Labor and Employment (DOLE), Linggo, 4,220 micro, small, medium at large businesses ang nagsara, nagbawas ng ilang tauhan, o nagbawas ng araw ng trabaho ng kanilang manggagawa.

Nasa 133,315 ang kabuuang bilang ng mga empleyado na na-displace.

Itong DOLE report ay batay sa mga notice of shutdown at retrenchment na sinumite ng mga employer sa mga rehiyonal na tanggapan ng ahensiya.

Noong 2020, hindi bababa sa 428,701 kawani ang nawalan ng hanapbuhay habang 4,577,027 namang tauhan ang naipit sa “no work, no pay” na sitwasyon.

The post 25K manggagawa sinibak sa Enero first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/25k-manggagawa-sinibak-sa-enero/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=25k-manggagawa-sinibak-sa-enero)