33 lindol ang naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Pebrero 16 bulletin nito, nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 700 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 1,130 tonelada kada araw noong Pebrero 13.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng Kanlaon dahil may tsansa pa rin anilang sumabog ang bulkan.

The post 33 lindol naitala sa Kanlaon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/33-lindol-naitala-sa-kanlaon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=33-lindol-naitala-sa-kanlaon)