Target ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na matapos ang 35 proyekto bago matapos ang taong ito, ayon kay Chief Operating Officer Mark T. Lapid.

“These projects would be of great help to improve the country’s tourism infrastructure and TIEZA will work hard in achieving its goal of completing them this year,” pahayag ni Lapid sa isang statement.

Ilan sa mga proyektong inaasashang makuumpleto ngayong 2021 ay ang Phase 2 ng Boracay Wate Drainage na ma tota bidded cost na P778.8 milyon. Ang proyekto ay 57.95% nang kumpleto nitong Katapusan ng Disyembre 2020.

Inaayos na rin ng TIEZA na makumpleto ang knstruksiyon ng Sewerage and Waste Water Facility and Boardwalk sa Oriental Mindorio.

Ang iba listahan ng mga proyekto na inaasahang matatapos ngayong taon ito ay ang rehabilitasyon ng Club Intramuros at Phase 1 ng Assets Rehabilitation Plan sa kahabaan Victoria St. in Intramuros. Sakop ng proyekto ang architectural, plumbing, electrical at mechanical works.

Posibleng ding matapos ngayong taon ang konstruksiyon ng Potable Water System sa Banaue, Ifugao gayundin ang Lighthouse Park Development Project sa Batangas.

Ang 35 na proyekto ng TIEZA ay nagkakahalaga ng P1.754 billion.

The post 35 proyekto ng TIEZA matatapos ngayong 2021 – Lapid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/35-proyekto-ng-tieza-matatapos-ngayong-2021-lapid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=35-proyekto-ng-tieza-matatapos-ngayong-2021-lapid)