Pumanaw ang limang taong gulang na lalaki sa Culaba, Biliran matapos niyang makuryente habang nagbibisikleta.

Kinilala ang bata na si John Javier Dimalaluan.

Batay sa imbestigasyon, sa ulat ng GMA News, sa kasagsagan ng pagbibisikleta ng lalaki ay natumba siya sa isang electricity post.

Grounded ang naturang poste dahil sa nabalatang live wire na nakakabit doon.

Sinugod si Javier sa ospital ngunit dineklara siyang dead on arrival.

The post 5-anyos na biker nakuryente sa poste, tigok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-anyos-na-biker-nakuryente-sa-poste-tigok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-anyos-na-biker-nakuryente-sa-poste-tigok)