Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 69 tremor episodes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Isa hanggang limang minuto ang tinagal ng bawat pagyanig.

Samantala, batay pa sa Pebrero 17 bulletin ng PHIVOLCS, mahinang nagbuga ang bulkan ng puting usok na umabot sa 20 metro ang taas.

Pinaalalahanan ng Institute ang publiko na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil may tsansa pa rin itong sumabog, at maglabas ng volcanic gas at abo sa Taal Volcano Island.

The post 69 pagyanig naitala sa Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/69-pagyanig-naitala-sa-taal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=69-pagyanig-naitala-sa-taal)