Sabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, 70 porsiyento ng healthcare workers sa Marikina City ang nakahandang tumanggap ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese drugmaker na Sinovac.

Pinayuhan din ng alkalde ang natitirang 30% na huwag nang hintayin ang gusto nilang brand ng bakuna.

“Mabuting may proteksiyon ka na sa pagkakataong ito. Dahil kung maghihintay ka pa ng linggo o buwan bago mo matanggap ang preferred vaccine mo, ang oportunidad para dun sa viral transmission ay naroon palagi,” wika ni Teodoro sa Teleradyo, Linggo.

“‘Yung possibility of fatality and other comorbidities ay mababawasan naman. Tingnan nila ang benefit-to-risk ratio,” dagdag niya.

Inaasahang darating sa ‘Pinas ngayong araw ang bakuna ng Sinovac, na susundan naman ng gawa ng AstraZeneca bukas.

The post 7 sa 10 health workers sa Marikina OK sa Sinovac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-sa-10-health-workers-sa-marikina-ok-sa-sinovac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=7-sa-10-health-workers-sa-marikina-ok-sa-sinovac)