Tumalon na sa 9,379 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na gumaling mula sa COVID-19.

Ito’y matapos maitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 78 bagong nakarekober ngayong linggo.

Samantala, batay pa sa huling DFA bulletin, nadagdagan ng 105 ang bilang ng mga nasapul ng virus abroad.

Sa kabuuan, 14,896 Pinoy na sa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19, kabilang ang 4,499 aktibong kaso.

Umakyat naman sa 1,018 ang virus death toll matapos anim pang overseas Pinoy ang nasawi.

The post 78 pang Pinoy abroad dinaig COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/78-pang-pinoy-abroad-dinaig-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=78-pang-pinoy-abroad-dinaig-covid)