Patay ang anak ng alkalde ng San Pascual, Batangas matapos mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang sasakyan, Sabado ng hapon.

Sa ulat ng pulis Batangas City, sinabing binabagtas ni Mark Patrick Dimayuga ang national highway sa Barangay Soro-Soro, Batangas City noong 5:30 ng hapon, Peb. 27, nang mawalan siya ng kontrol pagkatapos mag-overtake.

Nasagasaan niya ang isang Nelson Gutierrez, na nag-aabang lang noon ng masasakyan, habang sumalpok ang behikulo niya sa isang poste ng kuryente.

Si Dimayuga ay dineklarang dead on arrival sa Golden Gate General Hospital, habang si Gutierrez ay dead on the spot.

Si Mark Patrick ay anak ni San Pascual Mayor Tony Dimayuga.

The post Anak ng mayor naaksidente, dedo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anak-ng-mayor-naaksidente-dedo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=anak-ng-mayor-naaksidente-dedo)