Pinaliwanag ni Ate Gay, o Gil Morales sa totoong buhay, ang rason kung bakit nagdesisyon siyang isara ang kanyang siomai shop sa Tondo, Manila na wala pang isang taon na nakabukas.

“ECQ (enhanced community quarantine), wala akong magawa eh. Sarado ‘yung mga comedy bars. Hangga’t wala kang mga ginagawa, e ‘di nagtayo ka ng ‘Siomai Himala.’ Ngayon, noong medyo okay-okay na ang trabaho, isinara ko na,” sey ni Ate Gay sa presscon ng pelikulang “Ayuda Babes,” Peb. 16.

“Eh kasi walang nagbabantay. ‘Pag wala ako dun, walang bumibili eh!” kuwento niya pa.

Sa ngayon, tiwala ang impersonator ni Nora Aunor na kikita siya sa pamamagitan ng pagganap sa mga pelikula.

The post Ate Gay umawat sa pagtitinda ng siomai first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ate-gay-umawat-sa-pagtitinda-ng-siomai/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ate-gay-umawat-sa-pagtitinda-ng-siomai)