Kasalukuyang nakararanas ng frost o andap ang ilang bahagi ng Atok, Benguet dahil sa sunod-sunod na araw na malamig na klima rito.

Halos natakpan na rin ng maninipis na yelo ang mga tanim sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, tuwing Enero hanggang Marso nararanasan ng mga taga-Atok ang andap.

Samantala, bumagsak naman sa 12°C hanggang 10°C ang temperatura sa ilang lugar ng Bontoc, Mountain Province.

The post Benguet pananim, nabalot ng yelo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benguet-pananim-nabalot-ng-yelo/)