Ipalalabas na ang pangwalo at huling season ng kilalang sitcom show sa US na “Brooklyn Nine-Nine.”

Inanunsiyo ito ng executive producer ng palabas na si Dan Goor.

“When Mike Schur and I first pitched the pilot episode to Andy [Samberg], he said, ‘I’m in, but I think the only way to tell this story is over exactly 153 episodes,’ which was crazy because that was exactly the number Mike and I had envisioned,” ani Goor sa isang pahayag na nilabas sa official Twitter page ng BNN.

“I feel incredibly lucky to have worked with this amazing cast and crew for eight seasons. They are not only among the most talented people in the business, they are all good human beings who have become a family.”

“Ending the show was a difficult decision, but ultimately, we felt it was the best way to honor the characters, the story, and our viewers,” dagdag niya.

Ang series ay tungkol sa mga pangyayari sa isang grupo ng mga pulis sa Brooklyn, New York City.

Ang ilan sa mga bumida rito ay sina Andy Samberg (Jake Peralta), Melissa Fumero (Amy Santiago), Andre Braugher (Captain Ray Holt), Stephanie Beatriz (Detective Rosa Diaz), Terry Crews (Terry Jeffords), at Melissa Fumero (Amy Santiago).

Unang ipinalabas sa Fox ang BNN noong 2013, bago ito kanselahin sa Season 5.

Matapos palagan ng fans at netizens ang kanselasyon ay sinalo ang sitcom ng NBC, kung saan ito umere mula 2019.

The post ‘Brooklyn Nine-Nine’ tatapusin na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/brooklyn-nine-nine-tatapusin-na1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=brooklyn-nine-nine-tatapusin-na1)