Walang sinisisi si Pangulong Rodiro Duterte sa naantalang pagdating ng COVID-19 vaaccine sa bansa dahil responsibilidad umano ng manufacturer ang shipping ng mga bakuna ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ito ang naging tugon ng Secretary matapos tanungin kung may ginisa ba ang Pangulo sa naudlot na pagdating ng mga COVID-19 vaccine mula Pfizer-BioNTech at Sinovac na dapat sana’y darating noong Pebrero 15 at 23.

“Alam mo, si Pangulo, he understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements,” wika ni Nograles sa isang virtual briefing.

“But at the end of the day, it is the vaccine manufacturers’ obligation, responsibility to ship it to us at a time that was promised,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/duque-sa-publiko-kaunting-pasensya-pa-darating-din-bakuna/

Galvez nag-sorry sa naantalang pagdating ng COVID-19 vaccine

The post Duterte walang sinisisi sa naunsyaming delivery ng COVID-19 vaccine sa bansa – Nograles first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-walang-sinisisi-sa-naunsyaming-delivery-ng-covid-19-vaccine-sa-bansa-nograles/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-walang-sinisisi-sa-naunsyaming-delivery-ng-covid-19-vaccine-sa-bansa-nograles)