Magsasagawa ng face-to-face flag-raising ceremony ang Kamara de Representantes sa Lunes, Marso 1.

Ang lahat ng dadalo ay kailangang magpa-antigen test muna upang masiguro na negatibo sa COVID-19 ang mga ito.

Batay sa nakuhang memorandum ng Abante, si Speaker Lord Allan Jay Velasco ang guest of honor sa naturang event.

Ang memorandum ay ipinalabas ng Office of House Secretary General Mark Llandro Mendoza.

Mayroong antigen testing station sa North Wing Lobby, South Wing Lobby, RVM Building at South Wing Annex. Magsisimula ang testing ng alas-7 ng umaga.

Inatasan ang Legislative Security Bureau (LSB) na tiyakin na magiging maayos ang testing at tanging ang mga nagnegatibo lamang ang makapupunta sa flagpole area na nasa tapat ng main lobby entrance ng Main Building.

Ipinatitiyak din sa LSB na masusunod ang social distancing.

The post Flag-raising ng Kamara bukas, face-to-face first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/flag-raising-ng-kamara-bukas-face-to-face/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=flag-raising-ng-kamara-bukas-face-to-face)