Sinita ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang mga food delivery service provider sa umano’y hindi pagbibigay ng diskwento sa mga umo-order na senior citizens.

Marami umanong reklamo ang natanggap ng opisina ni Herrera mula sa mga senior citizen laban sa Food Panda at Grab Food sa hindi pagsunod sa Expanded Seniors Citizen Act of 2010 (Republic Act 9944).

“We are all aware that senior citizens face increased risk for developing more serious complications from COVID-19. Therefore, it is important that we ensure they are able to stay at home but still have access to important services and commodities,” ani Herrera.

Batay sa RA 9944, ang isang mamamayan ng bansa na hindi bababa sa 60 taong gulang ang edad ay dapat bigyan ng 20 porsyentong diskwento at exempted sa pagbabayad ng 12 porsyentong Value Added tax (VAT) sa mga partikular na produkto at serbisyo.

Kapag um-order gamit ang app, sinabi ni Herrera na walang nakalagay na sistema para matukoy kung dapat bigyan ng diskwento ang umo-order.

“The money saved by our seniors from their discounted food orders can be used to purchase their other needs like medicines and other food supplies,” saad ng solon.

Sa ngayon, mayroong 8.2 milyong senior citizens sa bansa.

The post Food delivery apps sinita sa ‘di pagbibigay ng diskwento sa seniors first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/food-delivery-apps-sinita-sa-di-pagbibigay-ng-diskwento-sa-seniors/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=food-delivery-apps-sinita-sa-di-pagbibigay-ng-diskwento-sa-seniors)