31,884 pamilya sa apat na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kaninang umaga, sinabi ni NDRRMC deputy spokesperson Mark Cashean Timbal na pinakamaraming apektado sa Caraga sa bilang na 31,292 pamilya.

Sumunod naman ang 566 pamilya sa Davao, 18 pamilya sa Hilagang Mindanao, at walong pamilya sa Bicol.

Dagdag ni Timbal, isang indibidwal ang naiulat na pumanaw sa Caraga sa gitna ng pananalasa ni Auring, habang dalawang iba pa ang nawawala.

Kinukumpirma pa aniya nila itong mga datos.

Samantala, nasira naman ang 240 bahay sa mga rehiyon ng Davao at Caraga.

The post Halos 32K pamilya sa 4 rehiyon apektado kay ‘Auring’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-32k-pamilya-sa-4-rehiyon-apektado-kay-auring/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halos-32k-pamilya-sa-4-rehiyon-apektado-kay-auring)