Dapat magsilbing “employer” at “income provider” ang gobyerno sa mga manggagawa dahil hindi pa tuluyang nakakabawi ang pribadong sektor sa masamang epekto ng pandemya sa kasalukyon, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“Parehong bigyan ng salbabida ang mga manggagawa at pribadong kumpanya. Gobyerno na mismo ang dapat magbigay ng trabaho sa mga Pilipino,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Sa pamamagitan ng public employment programs (PEPs), sinabi ni Hontiveros na dapat pagkalooban ng gobyernoi trabaho at income support ang mga Filipino para maibsan ang epekto ng kakulangan ng kanilang kita bukod sa napakataas ng presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan.

“Hindi na lang dapat kagyat na ayuda ang kailangan, kundi kasabay nito ay magkaroon din ng isang malawakang trabaho sa pamamagitan ng PEP o di kaya employment guarantee schemes (EGS) para patuloy na may sweldo na pwedeng gastusin,” ayon kay Hontiveros.

“Pwedeng pagsimulan ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment. Palawakin pa ang sampung araw na temporary wage employment para mas marami pa itong matulungan,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ng senador ang konteksto ng kasalukuyang COVID-19 crisis, agresibong PEPs, bukod sa conventional public works ay maaring gamtin bilang ‘strategy for recovery’ para mapalakas ang front line services na kailangan sa pagtugon sa pandemya sa mga komunidad.

“We can mobilize more workers to assist in contact tracing, provide support to persons vulnerable to COVID-19, such as the elderly, persons with disabilities (PWDs) or chronic health problems, those who are sick at home or recovering, and persons in quarantine… as well as strengthening essential services such as waste collection, public sanitation and other facilities,” sabi ni Hontiveros.

“Workers are the drivers of our economy. Madidiskaril ang ating byahe patungo sa pagbangon ng ekonomiya kung hindi tayo magbibigay ng oportunidad sa mga nawalan ng trabaho,” diin pa nito.

The post Hontiveros sa gobyerno: Bigyan salbabida mga manggagawa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-sa-gobyerno-bigyan-salbabida-mga-manggagawa/)