Binigyan na ng US Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang COVID-19 vaccine na gawa ng Janssen.

Ang bakuna ng Janssen, kompanyang pag-aari ng US multinational company na Johnson & Johnson, ay ang natatanging single dose na coronavirus vaccine sa Amerika.

Awtorisado ang bakuna sa mga edad 18 pataas at 72% epektibo laban sa moderate hanggang kritikal na kaso ng COVID-19 sa US, batay sa CNN report.

Ito na ang pangatlong vaccine brand na pinayagang magamit sa Amerika, matapos ang Pfizer-BioNTech at Moderna.

The post Janssen bakuna aprub sa US FDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/janssen-bakuna-aprub-sa-us-fda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=janssen-bakuna-aprub-sa-us-fda)