Isang lalaking walang ka-date kahapon ang nanuntok ng pasahero at nanira pa ng jeep sa Caloocan City.

Kinilala ang sawi sa pag-ibig na si Zaldy Buena.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, binasag umano ni Buena ang windshield ng isang jeep, sinira ang headlight at tinanggal pa ang dalawang side mirror nito.

Bukod dito, dyinombag pa umano ng lalaki ang isang pasahero.

Paliwanag nito, problema sa pag-ibig ang nag-udyok sa kanya para gawin ang pagwawala.

“Wala, talagang zero lang, problema sa pag-ibig, ganun. Walang ka-date eh.”

Kwento ng drayber na si Nestor Jasmin, bigla na lang daw nanakit si Buena kaya nagbabaan ang mga nakasakay at doon na raw sinira ni Buena ang jeep.

Nahaharap sa reklamo ang suspek dahil sa pananakit nito sa mga biktima.

The post Lalaking broken-hearted nagwala sa jeep first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lalaking-broken-hearted-nagwala-sa-jeep/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaking-broken-hearted-nagwala-sa-jeep)