Tumaas ang presyo ng ilang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Lunes.

Sa Twitter ng Petron Corporation, inanusyo nila na magkakaroon ng dagdag na P2.96/kg ang kanilang mga produkto simula 12:01 ng umaga, Pebrero 1.

“Petron will implement a P2.96/kg increase (VAT-incl) in LPG prices effective 12:01 am, Feb. 01. AutoLPG prices will likewise increase by P1.66/li at the same time. These reflect the international contract price of LPG for the month of February,” saad nila sa naturang tweet.

Nagtaas din ng P1.66 kada litro ang AutoLPG.

The post LPG taas-presyo sa unang araw ng Pebrero first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpg-taas-presyo-sa-unang-araw-ng-pebrero/)