Kasalukuyang trending online ang naging panayam ni tsang Amy Perez kay Land Transportation Office (LTO) Director Atty. Clarence Guinto hinggil sa usapin ng pagpapatupad ng Car Seat Law.

Sa panayam, tinanong ni Perez si Guinto kung papaano na ang mga matatangkad na 12-anyos na bata kung lalagyan ng booster ang kanilang upuan.


“Kung ang 12 years old sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster…aangat at tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado ‘yun?” sambit niya kay Guinto.

“Siguro Ma’am Amy, laki-lakihan mo sasakyan mo,” tugon ni Guinto.

Kaugnay ito sa ipatutupad na Car Seat Law sa Martes.

Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbabawal na ang mga 12-anyos pababa na umupo sa front seat ng sasakyan at sa halip, pauupuin ang mga ito sa child restraint systems ng sasakyan para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Binira naman ito ni Perez at sinabing kailangang ikonsidera ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.

“Ang pinag-uusapan po natin dito Director Guinto ay ‘yung karamihan po sa ating mga kapamilya,” wika niya.

“[K]ailangan po nating i-consider po iyon,” dagdag pa niya.

Pebrero 22 ng nakaraang taon nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act na epektibo na bukas.

The post LTO Director Guinto kay tsang Amy: Kotse mo mag-adjust hindi batas! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lto-director-guinto-kay-tsang-amy-kotse-mo-mag-adjust-hindi-batas/)