Isang maglola ang nasawi sa sunog sa isang residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong kaninang madaling-araw.

Sa ulat ni Abante journalist Jonas Sulit, sinabing namatay ang isang 55-anyos na ginang at ang 13-anyos nitong babaeng apo.

Naging emosyonal ang pamilya ng maglola habang hinihintay na ilabas ng mga bumbero ang mga labi.

Samantala, inaalam pa ang sanhi ng sunog.

The post Maglola patay sa sunog sa Mandaluyong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maglola-patay-sa-sunog-sa-mandaluyong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maglola-patay-sa-sunog-sa-mandaluyong)