Sisimulan ng bansa ang buwan ng Marso nang may maalinsangang panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan kapwa dulot ng easterlies.

“Easterlies ang dominante ngayon sa ating bansa. Dala nito ay ang humid air kung kaya’t medyo maalinsangan ang ating tanghali, at posible pong tumagal ‘yan hanggang hapon,” anunsiyo ni weather specialist Loriedin Dela Cruz sa 4 a.m. weather forecast ng Pagasa, Peb. 28.

“Nariyan din ang mga tsansa ng mga pagkabuo ng isolated rain showers sa hapon at gabi. Ibig sabihin, posible ang mga panandaliang pagbuhos ng ulan, pero very isolated lamang ho ‘yan especially dito sa silangang bahagi ng ating bansa,” dagdag niya.

Bukod doon, wala nang inaasahang malawakang pag-ulan ang Phivolcs.

Sinabi rin ni Dela Cruz na wala rin silang nakikitang weather disturbance na maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

The post Mainit na panahon asahan – Pagasa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mainit-na-panahon-asahan-pagasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mainit-na-panahon-asahan-pagasa)