Lalong mabigat para sa mga JoshLia fan ang official music video ng kanta ni Moira Dela Torre na “Paubaya.”

Sabi kasi nila, ang litanya ng mga bumida sa MV, sina Julia Baretto at Joshua Garcia, ay true to life. Hindi rin anila acting ang nangyari sa mabigat na eksena sa video.

May nag-post pa ng comment ni YouTube user Donald Lapez, ang umano’y gumanap na pari sa MV: “Pinalabas kami lahat… para magka-moment yung 2 at magkaroon ng closure as in no script or kung anu pa man, just pure words of forgiveness and love.”

Ayon sa MV, sina Joshua, Julia, Moira Dela Torre at Jason Hernandez ang nasa likod ng script dialogue. Hindi tinukoy kung aling parte ang kung kanino.

Kaya naman, para sa mga netizen, doble ang pananakit sa kanila ng MV–sa lyrics ng kanta at sa “totoong closure” nina Baretto at Garcia.

https://twitter.com/IloveTutoyVG/status/1360898321322156035?s=20

The post Mga netizen iyak sa JoshLia ‘closure’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-netizen-iyak-sa-joshlia-closure/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-netizen-iyak-sa-joshlia-closure)