Tila hindi tinatablan ng COVID-19 ang mga turista ng isang resort sa Indang, Cavite matapos nilang magsiksikan sa kabila ng banta ng virus.

Nakuhaan naman ng isang netizen ang nangyaring pagsisiksikan sa resort.

Bukod sa walang physical distancing, namataan rin ang mga turista na walang suot na face mask at face shield.

Nahagip din sa video ang mga uniformed personnel na tila walang keber sa mga violation ng turista.

Kasalukuyang wala pang pahayag ang pamunuan ng resort sa naturang isyu.

The post Mga turista ng isang resort sa Cavite ‘di tinatablan ng Covid, walang physical distancing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-turista-ng-isang-resort-sa-cavite-di-tinatablan-ng-covid-walang-physical-distancing/)