Kaisa ang Metro Manila Council (MMC) sa pasya ni Pang. Duterte na huwag isailalim ang bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) hangga’t hindi pa nasisimulan ng gobyerno ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19.

“As what we have always emphasized, the Metro Manila mayors would always defer to the wisdom and judgement of the President,” wika ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa isang pahayag, Peb. 23 ng umaga.

“We are one with him, and would exert all efforts and rally behind him in combating this COVID-19 pandemic,” aniya pa.

Ang MMC ay binubuo ng 17 alkalde ng National Capital Region at ang policy-making body ng MMDA.

The post ‘No vaccine, no MGCQ’ pinaboran ng MMC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-vaccine-no-mgcq-pinaboran-ng-mmc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-vaccine-no-mgcq-pinaboran-ng-mmc)