Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na panatilihin ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

Ang paalala ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng pag-obserba ng Ash Wednesday .

Sinabi ni Roque na pinapayagan na ang 50% capacity sa loob ng mga simbahan kaya dapat na mas mag-ingat ang mga deboto dahil mas marami na ang taong pumapasok .

“Kinakailangan po ipagpatuloy natin ang pag-iingat. Ang panawagan po ng ating Pangulo ay ipagpatuloy natin ang ating Mask,Hugas at Iwas,” ani Roque.

Para maiwasan ang personal contact at posibleng COVID contamination, hindi na ipinapahid sa noo ang abo sa mga deboto bagkus ito ay ibinubudbod na lang sa ulo.

Sinabi naman ng Simbahan na ang Ash Wednesday ay hindi lamang dahil sa pagpapahid ng abo kundi dapat ay intindihin kung ano ang mas malalim na kahulugan nito sa aspetong espiritwal ng isang tao.

The post Palasyo may paalala ngayong Ash Wednesday first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-may-paalala-ngayong-ash-wednesday/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palasyo-may-paalala-ngayong-ash-wednesday)