Itinanggi ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na wala silang ginawang aksiyon sa ipinasang batas ng China, partikular ang Coast Guard Law.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ng Ambassador na nagsumite sila ng dalawang reports sa Department if Foreign Affairs noong huling buwan ng 2020 habang nasa deliberasyon at matapos maisabatas ang Coast Guard Law.

Dapat aniya ay sa Marso pa maipapasa ito subalit napaaga ang pagsabatas sa panukala.

“Hindi po totoo ‘yan. We have monitored it since November. Sumulat ho kami ng dalawang reports–one in November, one in December when the law was being deliberated and as subsequently have filed another report as it was passed,” ani Sta. Romana.

Taliwas aniya sa inaasahan, mas suwabe ang batas kaysa sa unang bersiyon na ikinunsidera ng mga Chinese na mambabatas.

Iginiit aniya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na kapag ang batas ng China ay ipinairal ng lampas sa teritoryo ng China at pumasok sa Exclusive Econmic Zone ng Pilinas, ito ay maigting na tututulan ng gobyerno.

Sinabi ni Sta. Romana na nangako naman ang Chinese Foreign Ministry at Chinese Ambassador nila sa Pilipinas na hindi sila gagamit ng dahas.

“The Chinese have reassured us through the Foreign Ministry Spokesman as well as the Chinese Embassy that they are not targetting the Philippines or any specific country and that they will not resort to force first instance,” dagdag ni Sta. Romana.

Inalmahan ng iba’t ibang grupo ang naipasang Coast Guard Law ng China, dahil tatargetin at babarilin umano ang sino mang makikitang papasok sa kanilang teritoryo sa West Philippine Sea na inaangkin din ng ilang mga bansa sa Asya.

The post PH envoy tinangging walang ginawa sa China coast guard law first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-envoy-tinangging-walang-ginawa-sa-china-coast-guard-law/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-envoy-tinangging-walang-ginawa-sa-china-coast-guard-law)