Naglaan ng $25 milyon o P1.2 bilyon ang Asian Development Bank (ADB) na ipahihiram sa Pilipinas na pambili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Dahil dito, makakapagbayad na ang bansa nang ‘advance’ sa mga pagbibilhang vaccine manufacturer.

“Vaccination is the next critical step to protect lives and promote livelihood opportunities,” ani ADB President Masatsugu Asakawa.

“We stand ready to support the government in these unprecedented times and help the economy navigate back to its pre-pandemic growth path,” dagdag pa nito.

Target ng gobyerno mabakunahan ang 59 hanggang 70 milyon indibidwal ngayong taon.

Samantala, inaasahan nang darating sa bansa ang unang suplay ng mga COVID-19 vaccine ngayong Pebrero.

The post ‘Pinas umutang M sa ADB pambili ng COVID-19 vax first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-umutang-25m-sa-adb-pambili-ng-covid-19-vax/)