Nilinaw ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi nangingikil ng pera ang bansa mula sa Estados Unidos.

augnay ito sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan nilang magbayad sa ‘Pinas kung gusto nilang ituloy ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.

“Dear Sam,

This is refers to the statement, “You want the VFA? You have to pay”.

Just to clarify, please be informed that we are not a nation of extortionists; at lalong hindi kami ‘mukhang pera’. Err… hindi lahat.

Shamefully,
Juan,” patutsada ng Senador sa naturang tweet.

Magugunitang nagbitiw ng salita kahapon ang Pangulo hinggil sa naturang kasunduan.

“I want to put notice, if there is an American agent here, if you want VFA, you have to pay,” wika niya sa pagsisiyasat niya ng mga bagong panghimpapawid na behikulo ng Philippine Air Force sa Clark Air Base, Pampanga kahapon.

“You have to pay because it is a shared responsibility. Your share of responsibility does not come free because after all, when the war breaks out, we all pay,” dagdag pa nito.

Magugunitang Disyembre ng nakaraang taon
nang ‘bantaan’ ng Pangulo ang US na tuluyang ibabasura ang VFA kung hindi sila magbibigay ng COVID-19 vaccine sa ‘Pinas.

“Hindi po ‘yan blackmail. Iyan po ang ibig sabihin ng independent foreign policy. Hindi po tayo sunud-sunuran, hindi po tayo didiktahan ng kahit sino. Dahil tayo ay magkakaibigan dapat magtulungan tayo. Kailangan namin ng vaccine, may vaccine kayo, bigyan n’yo kami,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

The post Ping Lacson sa mga puti: Hindi kami mukhang pera! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ping-lacson-sa-mga-puti-hindi-kami-mukhang-pera/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ping-lacson-sa-mga-puti-hindi-kami-mukhang-pera)