Apat na milyong katao na ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 sa United Kingdom.

Ayon pa sa dashboard ng Johns Hopkins University, Huwebes, pang-apat ito sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, 119,159 na ang pumanaw habang 11,054 na ang gumaling mula sa virus sa UK, saad pa sa dashboard.

Sa United Kingdom unang natagpuan ang isa sa mga bago at mas nakahahawang variant ng COVID-19 sa ngayon.

The post Sapul ng Covid sa UK 4M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-sa-uk-4m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapul-ng-covid-sa-uk-4m-na)