Mananatiling toll-free ang Skyway Stage 3 habang isinasapinal pa ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga toll rate nito.

“Hanggat hindi pa nagi-isyu ng formal approval ang pamunuan natin dito ay hindi ho sila pwede maningil pa,” ani TRB spokesperson Julius Corpus sa isang forum kanina.

“Sinusuri po natin mabuti ang lahat ng mga kunsiderasyon upang pag ka nagbigay ang ating approval ang ating pamunuan kung magkano ang toll fee ang kokolektahin, ay eto sana maging katanggap tanggap at resonable sa ating motorista,” dagdag pa nito.

Matatandaang sinabi ng pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC) na magsisimula na silang maningil bukas, Pebrero 1.

Sambit ni Corpus, nakita nila ang pagluwag ng trapiko sa EDSA dahil sa bagong gawa na Skyway.

“Mahigit kalahati ng 80,000 na dating dumadaan ng EDSA ay dumadaan na ng Skyway,” wika nito.

Enero 15 nang opisyal nang binuksan ng SMC ang naturang daanan.

The post Skyway 3 toll-free pa rin – TRB first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/skyway-3-toll-free-pa-rin-trb/)