Isang 7-anyos na babae ang naiulat na nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Lupon, Davao Oriental noong Biyernes.

Naitala ang sunog ng alas-3 ng madaling-araw, Peb. 26, sa Barangay Don Mariano Marcos.

Aabot sa limang bahay ang natusta sa insidente, habang sugatan naman ang dalawang senior citizen.

Batay sa Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nag-umpisa sa pag-overheat ng cellphone na naka-charge.

Tinatayang P250,000 naman ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

The post Sunog sumiklab sa Davao Oriental, chikiting tigok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sumiklab-sa-davao-oriental-chikiting-tigok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sumiklab-sa-davao-oriental-chikiting-tigok)