Tiniyak ng isang senador sa United States ang kanyang patuloy na suporta kay detained Senator Leila de Lima.

Ayon kay Democratic Senator Richard Durbin, na nauna nang sinabing “unjust and politically-motivated” ang pagpapakulong kay De Lima, na hindi siya titigila sa pagsuporta sa seandora sa kanyang para sa human rights sa Pilipinas.

Ginawa ni Durbin ang pahayag matapos magpahayag ng pagbati si De Lima sa pamamagitan ng Twitter kay Durbin at kay Senator Patrick Leahy matapos makakuha ng top positions a US Senate.

“Thank you (Sen. De Lima)…and as the four year anniversary of your unjust and politically-motivated arrest approaches, I want to assure you that I will never stop supporting your fight for human rights in the Philippines,” tweet ni Durbin.

Si De Lima ay nakakakulong simula pa noong Pebrero 23, 2017 dahil sa drug charges na inihain laban sa kanya ng Duterte government.

Sina Durbin, Leahy at US Senator Edward Markey ay pinagbawalang makapasok sa Pilipinas kasunod ng kanilang paulit-ulit na panawagang palayain ang senadora.

Nauna nang naghain ng pag-amiyenda ang tatlong US senators sa 2020 State And Foreign Operations Appropriations Bill na nagbabawala sa pagpasok sa US ng mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong sa dating Justice secretary.

The post US Senator Durbin tuloy suporta kay de Lima first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-senator-durbin-tuloy-suporta-kay-de-lima/)