Naniniwala ang OCTA Research Group na mana-knockout ang kasalukuyang pagsirit ng COVID-19 case sa bansa kapag isinailalim sa apat na linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) ang mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) bubble.

Sa isang televised briefing, sinabi ni Prof. Ranjit Rye na naiintindihan nila ang concern ng gobyerno sa magiging epekto sa ekonomiya ng mahigpit na quarantine pero aniya, mas gusto nila ang MECQ sa “GCQ bubble” na Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na tamang-tama aniya sa pagdating ng bultong bakuna.

“But really po, if we want to end this, and we want to slow this down into a manageable level, the worst surge in the country’s history as far as fighting this COVID-19 is concerned, then maybe an MECQ of 2 weeks will really do it. It will slow it down,” lahad ni Rye.

“For four weeks, it will really knock it out. We will knock it out. Tamang-tama, pagkapasok ng bakuna by that time, magandang timing,” dagdag niya.

Inilagay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna sa “GCQ bubble” hanggang Abril 4, kung saan ibinalik ang ilang paghihigpit tulad ng pagbabawal sa mga non-essential travel at curfew na 10PM-5AM.

The post 1 buwang MECQ hinirit ng OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-buwang-mecq-hinirit-ng-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-buwang-mecq-hinirit-ng-octa)