Bukas ang gobyerno na mapalawig pa ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) paglipas ng Holy Week.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Delfin Lorenzana, bawat opsyon para mapababa ang COVID-19 case ay tinitingnan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Saad ni Lorenzana, oobserbahan nila sa susunod na linggo ang mangyayari sa COVID-19 sa ilalim ng lockdown.

“That is the intention of the one week, to see kung sapat ba ‘yun para matigil natin ‘yung pagtaas,” ayon sa Defense Secretary sa panayam ng CNN Philippines.

Ipinatupad ang ECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan kasunod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 case na umabot na sa lampas 9,000 ang bagong kaso kada araw.

The post 1 linggong lockdown puwede ma-extend first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-linggong-lockdown-puwede-ma-extend/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-linggong-lockdown-puwede-ma-extend)