Pansamantalang isinara ang isang fast food restaurant sa Iba, Zambales.

Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus disease ang 10 sa mga crew member ng kainan.

Ayon kay provincial health director Dr. Noel Bueno, Miyerkoles, na-trace ang impeksiyon sa isa sa mga empleyado, na hindi pa nabatid kung paano nahawa.

Kalaunan ay nakumpirmang dinapuan din ng COVID-19 ang siyam pang kawani.

Samantala, ang mga customer naman sa drive-thru nitong kainan mula Marso 11 hanggang 12 ay pinare-report sa Iba rural health unit para agad na ma-monitor.

The post 10 fast food worker sapul ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-fast-food-worker-sapul-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-fast-food-worker-sapul-ng-covid)