Naitala ang isang rockfall event at 10 lindol sa Mayon Volcano nitong nagdaang 24 oras.

Ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula magnitude 1.1 hanggang magnitude 3.1 ang mga lindol, at ang pinakamalakas sa mga ito ay nagparanas ng Intensity 1 sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Katamtamang nagpakawala rin anila ang bulkan ng puting usok, habang huling nasukat ang paglabas ng sulfur dioxide (SO2) ng Mayon noong Pebrero 25 sa average na 222 tonelada kada araw.

Saad pa ng Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nila, Marso 3, nananatiling inflated ang Mayon edifice.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” pa rin ito.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 6-kilometrong permanent danger zone ng Bulkang Mayon, dahil maaari anilang maganap ang “rockfalls, landslides/avalanches at the middle to upper slope, sudden ash puffs and steam-driven or phreatic eruptions from the summit.”

The post 10 lindol umuga sa Mayon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-lindol-umuga-sa-mayon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-lindol-umuga-sa-mayon)