Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 10 kawani nila para sa pagpapatupad ng uniform curfew hours sa Metro Manila.

Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, pinaalalahanan na nila ang kanilang mga pulis na laging isa-isip ang maximum tolerance sa publiko at irespeto ang kanilang mga karapatang pantao.

“To our personnel on the ground, be reminded of our two rules to avoid unnecessary confrontation to the public — one, observe maximum tolerance; and two, respect the people’s rights. We will be closely monitoring your compliance,” sambit niya.

Kaugnay nito, hinimok din ni Eleazar ang publiko na sundin na lamang ang mga ipinatutupad na COVID-19 safety protocol at irespeto ang mga awtoridad para maiwasan ang mga aberya.

“And to the public, we also offer a formula to prevent unnecessary confrontation and spare yourself from arrest: one, respect the rules on observance of the minimum health safety standard protocols; and two, respect the authorities that are enforcing these protocols.”

Simula ngayong Lunes, Marso 15, ipatutupad ng mga awtoridad ang curfew hours mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw sa Metro Manila na magtatagal ng dalawang linggo.

The post 10K parak ipapakalat para magpatudad ng curfew sa NCR – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10k-parak-ipapakalat-para-magpatudad-ng-curfew-sa-ncr-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10k-parak-ipapakalat-para-magpatudad-ng-curfew-sa-ncr-pnp)