Labing-isang panukala na may kaugnayan sa pagbubuwis ang hiniling na ipasa ng Kongreso bago ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda napagkasunduan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na ipasa ang mga panukala bago ang break ng sesyon sa Hunyo.

Ang mga panukalang ito ay:

1. Government Financial Institutions Unified Initiatives for Distressed Enterprises (GUIDE)

2. Package 3 (Valuation Reform)

3. Package 4 (Passive Income and Financial Intermediaries Taxation Act)

4. Public Service Act

5. Retail Trade Liberalization

6. Foreign Investment Act

7. Agri-Agra Law

8. Medical Reserves Corps Act

9. Creation of a Disease Prevention and Control Authority

10. Tax regime for Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) and for Off-cockpit Betting Stations (OCBS)

11. Pension reform for military and uniformed personnel

Sa 11 panukala, 10 ay inihain ni Salceda bago pa ito hiniling na maging prayoridad ng Kongreso.

Sinabi ni Salceda na mahalaga na maipatupad ang mga panukala gaya ng malinaw na pagbubuwis sa POGO at OCBS upang matiyak na tama ang buwis na nakokolekta rito.

“Right now, absent any regulations, POGOs and OCBS are free to do much of what they want, and we are unable to tax them right. The TRO on POGO taxation also complicates the matter. The laws we are trying to pass are TRO-proof,” ani Salceda.

Kailangan umano na madagdag ang nakokolektang buwis ng gobyerno upang mas mabilis na makabangon ang bansa.

The post 11 batas sa buwis hiniling aprubahan ng Kongreso ASAP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11-batas-sa-buwis-hiniling-aprubahan-ng-kongreso-asap/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11-batas-sa-buwis-hiniling-aprubahan-ng-kongreso-asap)