11 volcanic earthquake ang umuga sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Martes, Marso 16.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan.

Hindi naman namamataan ang pagputok ng Pinatubo sa nalalapit na panahon.

Saad ng Phivolcs, dapat patawan ng matinding pag-iingat at iwasan hangga’t maaari ang pagpasok sa Pinatubo Crater.

Pinaalala rin nila sa mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna.

The post 11 lindol naitala sa Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11-lindol-naitala-sa-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11-lindol-naitala-sa-pinatubo)