Naitala ang 11 volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Ayon ito sa Phivolcs sa kanilang 8 a.m. bulletin ngayong araw, Marso 28.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang “mayroong bahagyang pagligalig na maaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.”

Saad ng Phivolcs, dapat patawan ng matinding pag-iingat at iwasan hangga’t maaari ang pagpasok sa Pinatubo Crater.

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” dagdag ng ahensiya.

The post 11 lindol umuga sa Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11-lindol-umuga-sa-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11-lindol-umuga-sa-pinatubo)