Umabot sa 114 ang bilang ng mga COVID-19 positive na tinamaan ng iba’t ibang variant mula sa mutation ng new coronavirus sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health, sa 150 sample na dumaan sa genome sequencing, nasa 62 kaso ang nakitaan ng South African variant, habang 46 naman ang nadiskubreng tinamaan ng United Kingdom variant.

Anim naman sa sample ang natuklasang positibo sa P.3, na unang nakita sa Pilipinas.

Dahil dito, umakyat na sa 223 case ang tinamaan ng variant mula UK, 152 naman mula sa variant ng South Africa, at 104 naman sa P.3 variant.

Sa Metro Manila, 36 kaso ang UK variant, 41 naman ang nasapol ng South Africa variant.

Sa mga bagong kaso ng P.3, apat ang nakatira sa NCR.

The post 114 Pinoy tinamaan ng mga bagong COVID variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/114-pinoy-tinamaan-ng-mga-bagong-covid-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=114-pinoy-tinamaan-ng-mga-bagong-covid-variant)