Nakitang aabot sa 11,000 bagong COVID-19 case kada araw ang takbo ng trend sa pagkalat ng new coronavirus sa bansa.

Ayon sa OCTA Research, sa pagtatapos ng Marso ay posibleng dumoble pa ang hawaan na aniya’y nasa 2.03 na ang reproduction.

“Right now, the number have been upped to about 10,000 to 11,000 by the end of this month, unfortunately,” lahad ni OCTA Research member Guido David sa panayam ng ANC.

Aniya, dapat bantayan ang pagtaas ng kaso sa Metro Manila, na nanatiling tumataas ang COVID-19 case sa mga nakalipas na araw.

“Mostly in NCR, most areas in NCR are now having an increase and many areas are nearing close to the levels that we saw last August,” paliwanag ni David.

Dahil dito, nirekumenda ni David na magkaroon ng mga localized lockdown para maibsan ang pagkalat ng virus.

Nito lamang Lunes ay umabot sa 5,404 ang dagdag na nahawaan ng COVID-19, ang pinakamataas para sa taong 2021.

The post 11K COVID hawaan kada araw binabala ng OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11k-covid-hawaan-kada-araw-binabala-ng-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11k-covid-hawaan-kada-araw-binabala-ng-octa)