Nakatanggap ang Northern Mindanao ng 17,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Dumating ang mga bakuna sa Cagayan de Oro City noong Huwebes ng umaga, at sinalubong ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Agad itong ipinunta sa storage facility ng Department of Health Region 10.

Ayon kay DOH 10 assistant regional director David Mendoza, ilalaan itong mga bakuna para lamang sa mga frontline healthcare worker sa rehiyon at bibigyang-prayoridad ang mga third level hospital.

Nakatakdang magsimula ang turukan ngayong Biyernes sa Northern Mindanao Medical Center.

Ang mga bakuna ay bahagi ng 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng gobyerno ng Tsina sa Pilipinas.

The post 17.4K Sinovac bakuna lumapag sa N. Mindanao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/17-4k-sinovac-bakuna-lumapag-sa-n-mindanao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=17-4k-sinovac-bakuna-lumapag-sa-n-mindanao)