Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa mga protesta laban sa Pebrero 1 kudeta ng otoridad sa Myanmar.

Ayon pa sa nakalap na ‘credible information’ ng United Nations Human Rights Office, 30 iba pa ang sugatan sa mga rally.

Kaya naman kinondena ng UN HRO ang papatinding karahasan ng pulisya at mga sundalo sa mga sibilyang raliyista roon.

“Throughout the day, in several locations throughout the country, police and military forces have confronted peaceful demonstrations, using lethal force and less-than-lethal force,” wika ni UN HRO spokesperson Ravina Shamdasani sa isang pahayag, Linggo.

“We strongly condemn the escalating violence against protests in Myanmar and call on the military to immediately halt the use of force against peaceful protestors,” aniya pa, sa ulat ng Anadolu.

Napaulat na namatay ang mga indibidwal dahil nagpaputok ng bala sa mga kumpulan ng tao sa Yangon, Dawei, Mandalay, Myeik, Bago, at Pokokku.

Batay pa sa mga saksi, kinaharap ng mga protester ang tear gas, rubber bullets, at stun grenades ng mga pulis at sundalo.

Pinatindi kasi ng otoridad ang crackdown sa kampanya laban sa kudeta ng militar sa gobyerno ng Myanmar.

“The people of Myanmar have the right to assemble peacefully and demand the restoration of democracy,” ani Shamdasani.

“These fundamental rights must be respected by the military and police, not met with violent and bloody repression,” saad niya pa.

The post 18 raliyista sa Myanmar dedo sa otoridad – UN first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/18-raliyista-sa-myanmar-dedo-sa-otoridad-un/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=18-raliyista-sa-myanmar-dedo-sa-otoridad-un)